Litratong Pinoy: Proteksyon

May mga pagkakataon na hindi na natin kaya proteksyonan ang ating anak sa kanilang kapaligiran at sa mga taong nakapaligid sa kanila.  Katulad nung nakaraang karaawan ng aking anak nung 15th ng Hulyo, pagdating ko sa kanyang eskwela upang i-celebrate ang kanyang birthday sa school bitbit ang cake at kung ano ano pa, ang bumalaga sa akin ay ang aking umiiyak na anak sa kadahilanang tinusok sya ng kanyang classmate ng lapis sa kanyang kamay at nagiwan ito ng sugat.

Don ko narealize na hindi ko pala sya kayang proteskyonan bawat oras sa bawat araw. Ang tanging magagawa ko nalang ay halikan at yakapin sya para maramdaman nya na nandon ako para sa kanya at sana maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman.  Pero kinausap ko ang kanyang guro pagkatapos ng event para sabihin na ayaw ko na sanang maulit ang ganyang pagkakataon.

Ang  litratong ito ay kuha ng aking brother-in-law na si Elmer.

Kissing The Boo Boo

Wag nalang pansinin ang aking brasong napakalaki. Hahaha!

Maligayang Huwebes! Para sa ibang L.P. entries.

RSS 2.0 | Trackback | Comment

8 Responses to “Litratong Pinoy: Proteksyon”


  1. ang sweet naman.

    Magandang LP :)


  2. wawa naman…


  3. PAg nasasaktan daw ang anak, mas nasasaktan ang nanay…

    Baguhan po ako sa LP, sana mabisita mo ang pinaka-unang litrato ko :) Salamat.

    http://ishotthese.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon.html


  4. awww, ang cute :-)
    tama ka, hindi sa lahat ng oras ay kaya at maari nating proteksyunan ang ating mga anak.

    heto naman ang aking lahok sa temangproteksyon. sana ay makadaan ka :-)


  5. Ang seryoso ng pababasa ko , at natawa ako dito sa huli. hheheh!

    “Wag nalang pansinin ang aking brasong napakalaki. Hahaha!”

    But anyway ang sweet ni mommy!


  6. upto6only, di ko namalaya na kinukuhanan pala kami ng picture nyan.


  7. oo nga eh birthday pa man din nya.


  8. honey, i swear mukha syang hita sa laki. bwahahahha!